Conqueror112490's Blog

Ako, Ikaw, tayong lahat at ang ating Inang Bayan

Noypi, ikaw ba yan?

Mark Genesis C. Pareja

Bachelor of Arts major in Political Science

10846166         

Noypi, ikaw ba yan?

Ano nga ba talaga ang importansya ng pagiging isang Pilipino? Nalalaman ba natin ang ating mga tungkulin bilang mga anak ni Inang Bayan? Bukas ba ang ating puso’t isipan sa tunay na dahilan kung bakit ang bawat isa sa atin ay tinawag na Pilipino? Handa nga ba natin tulungan ang ating bansang tinubuan sa panahon ng kanyang paghihirap? O sadyang tatakasan na lang natin ang mga problemang tayo rin ang gumawa at hahayaan na lamang maghirap ng tuluyan ang bansang Pilipinas? Nasaan na ang mga Pilipino, mga mamamayan ng ating bansa? Ito ang mga tanong na gusto kong sagutin upang mabigyan linaw ang mga katanungan ko sa aking isipan. Katanungan na humahanap ng sagot upang makumpleto ang isang karakter at aydentidad na aking pinanghahawakan. Isang karakter at aydentidad na hindi makumpleto sa kadahilanan na hindi nito mahanap ang mga nawawalang piraso ng kanyang kaluluwa.

Marahil sa paglipas ng oras, malaki na ang pinagkaiba ng konseptong Pilipino noon sa ngayon. Sino nga ba ang mga Pilipino? Sila ba yung mga lumaban sa mga mananakop upang ipagtanggol ang kanilang bayan at ang mamamayan? Sila ba yung mga taong naging pundasyon ng ating kasaysayan? Sila ba yung mga taong may iisang hangarin at mithiin para sa nakararami? O baka naman sila yung mga taong trabahador na nagmula sa Pilipinas? At baka sila din yung mga japayuki sa bansang Hapon at entertainer sa ibang bansa? Ano ang inyong palagay? Kontento na lamang ba tayo sa ganitong nosyon? Ang pagiging isang Pilipino ay hindi lang nagtatapos sa pagiging isang mamamayan ng bansang Pilipinas. May malalim pang dahilan at rason kung bakit ang bawat-isa sa atin ngayon ay tinawag na Pilipino. Tayo ay mamamayan ng isang bansa kaya tungkulin natin ipagtanggol si Inang Bayan sa mga mapanlingkis na mananakop, tulungan siya sa panahon ng problema, pagsilbihan siya tungo sa kanyang progresibong paglalakbay at higit sa lahat ay magkaroon ng pakialam sa tunay na reyalidad na ating kinakaharap sa kasalukuyang panahon. Iyan ang Pilipino! Bakit tayo nasasaktan sa tuwing may kritikong magbibitaw ng kanyang opinion at pananaw tungo sa ating mga Pilipino? Kung tayo mismo ay hindi makaalis sa isang kwadradong mundo ng ating nakaraan. Ang acute inferiority complex na kung saan nakukumpara ang mga Pilipino sa isang payaso dahil pilit nito tinatakpan ng makapal na pulbo ang kanyang mukha sa pag-aakalang maiiba niya ang kanyang aydentidad bilang Pilipino. Ang crab mentality na kung saan nangingibabaw ang pagkainggit natin sa ating kapwa sa kabila ng magandang buhay na kanyang tinatamasa. Ito ang mga sakit na unti-unting sumisira sa aydentidad natin bilang isang Pilipino. Na ngayon ay patuloy na dinadala ng karamihan sa atin sa kanilang kalooban. Totoo hindi ba?

Kung malalaman lang natin ang ating tunay na mithiin at adhikain para kay Inang Bayan, hindi malayong makamtan din natin ang kaunlaran at kaayusan na matagal na nating pinapangarap. Bago natin simulan ang malawakang pagbabago, nararapat siguro na sa ating mga sarili muna magsimula ang pagbabago na iyon. Isang pribelehiyo ang pinagkaloob sa atin ni Inang bayan,  at iyon ay walang iba kung hindi ang maging isang anak ng bansa. Pribelehiyo na hindi kailanman kayang kunin ng ibang tao. Pribelehiyo na ipamamana natin sa mga susunod pang henerasyon. Pribelehiyo upang magawang umangat ang bawat isa sa atin sa kanya-kanyang propesyon. At pribelehiyo na lumaki sa isang bansa na maikukumpara sa isang mapagkalingang ina. Marahil hindi maiaalis ang mga problema, pagsubok at hadlang sa ating mga pangarap ngunit hindi dapat natin tingnan ang mga bagay na ito bilang isang negatibong dahilan upang tayo ay sumuko bagkus maging hamon ito sa bawat Pilipino na maging matatag hindi lang sa kanyang sarili at pamilya kung hindi pati narin sa kanyang bansa. Ating tandaan na hindi kikilos ang ating bayan kung walang mga mamamayan na susuporta. Kaya naman mali ang nosyon ng ibang tao na wala ng pag-asa ang ating bansa. Habang may nabubuhay pang Pilipino sa bansang ito, naniniwala ako na makakaahon si Inang Bayan sa pagkakalugmok. Bakit hindi natin ituon ang pansin sa pag-iisip ng solusyon kaysa sa pagtutuligsa at pagrereklamo sa dinadanas ng bawat-isa sa atin at ng bayan. Panahon na upang imulat ang ating mga mata sa matagal na pagkakahimbing. At kumilos na naaayon sa mithiin ng nakararami, maging ito man ay simpleng kontribusyon sa ating bansa. Ating tandaan na sa maliit na kontribusyon, malaki na ang naidudulot nito hindi lang sa ating mga sarili kung hindi sa nakararami.

June 16, 2009 - Posted by | Uncategorized

5 Comments »

  1. I would like to stress that the blogger is correct on his views about the present condition of the Filipino people. As a people we are entitled to rights and responsibilities as a people and citizen of this country. However we as a people cannot assert our rights and assume responsibility when our mindset is incorrect and crooked. Our prevailing wrong mentality destroys our efforts to carry out our reponsibility. Only through renewing and reconditioning of our mind in order to tune into reality can perhaps turn us around. The solution is simple, the problem is the people. Change cannot happen by itself it needs action. Action without proper mindset is not a solution.

    Comment by haliyup | June 17, 2009 | Reply

    • “Ito ang mga sakit na unti-unting sumisira sa aydentidad natin bilang isang Pilipino.”

      On the contrary, I think these ‘diseases’ are part of our identity too.

      “Bago natin simulan ang malawakang pagbabago, nararapat siguro na sa ating mga sarili muna magsimula ang pagbabago na iyon.”

      On a sociological viewpoint, the middle class is more or less inclined not to. After all, with maids and drivers and waiters at their disposal, they’re used to others doing the dirty work for them. The best you can get from them is probably some poser campaign, say, like Ako Mismo. If you ask me, if the lower class gets into a mass movement, you’ll get the bourgeois too.

      And another thing, some (or maybe most) people unknowingly follow the Nirvana Fallacy–the belief that you shouldn’t do something if the outcome is not perfect. Example: “Bakit pa ko boboto e magiging kurap din naman yung mananalo?” “Bakit pa ko sasali sa rally e hindi rin naman mapapatalsik si Gloria kung ginaya ko ‘yun?”

      “Isang pribelehiyo ang pinagkaloob sa atin ni Inang bayan, at iyon ay walang iba kung hindi ang maging isang anak ng bansa.”

      The considerable percentage of Filipinos who want to leave the country beg to differ.

      “Marahil hindi maiaalis ang mga problema, pagsubok at hadlang sa ating mga pangarap ngunit hindi dapat natin tingnan ang mga bagay na ito bilang isang negatibong dahilan upang tayo ay sumuko bagkus maging hamon ito sa bawat Pilipino na maging matatag hindi lang sa kanyang sarili at pamilya kung hindi pati narin sa kanyang bansa.”

      You probably have a point.

      Final words:

      The essay’s more or less modernist, shining with its idealism of nationalism. Unfortunately, the country is caught in a postmodern-post-colonial era. With the postmodern world, everything is under question, including nationalism. And with post-colonialism, people are asking who Filipinos are, and with the nation still being young (a young, slightly neurotic child who has been abruptly abandoned by its manipulative stepparents, if you ask me), the answers to those questions won’t come easy.

      Comment by V | June 21, 2009 | Reply

  2. Sa aking pansariling pananaw, ako ay sumasang-ayon sa mga sinabing punto ng awtor. Tama nga naman na nasa sa atin ang simula ng aksyon ng pagbabago at kung gugustuhin naman nating maiangat ang ating sariling bansa ay maitataguyod naman natin. Subalit marami nga namang hadlang ang dumarating sa ating bansa na kaysa magtulong tulong ang mga mamamayan upang matuligsa ito, mas lalo pa natin itong pinalalala hanggang sa maging isang malaking problema na nakakaapekto sa estado ng buhay natin.

    Hangga’t hindi tayo namumulat sa kung ano man ang tama at mali para sa ating bansa, hindi tayo magkakamit ng pagkakataong umunlad at umangat sa kinatatayuan natin ngayon. Hangga’t hindi natin nalalaman kung ano ang nararapat nating gawin para sa ikabubuti di lamang para sa sarili natin kundi pati sa ating Inang Bayan, hindi tayo maaaring matawag na isang ganap na Pilipino. Tayo ay nagmimistulang mga insekto na nakikitira sa pugad ng mga ibon. Dapat ay magsimula na tayong umaksyon tungo sa kaunlaran dahil wala tayong mararating kung puro tayo umaasa sa wala.

    Comment by Citigov A59 Group 1 | June 17, 2009 | Reply

  3. magaling ang pagbigay ng mga paliwanag , makatutulong ito upang makapag-bigay ng kaalaman sa tulad kong kabataan, na magising sa mga nangyayari sa ating bansa. at magkaroon ng mga saloobin ukol sa mga nangyayaring ito.pagbabago at pagunlad ang kasagutan sa mga problema .😀

    Comment by chris jansen | June 19, 2009 | Reply

  4. malalim ang mga salita pero ito ay may malalim na kahulugan na nakapagbibigay ng totoong realidad sa ating situasyon..

    maganda ito sapagkat ay “straight to the point” at naipakta ang solusyon sa problema.. hindi lang panay problema ang sinasabi na wala rin naman itong ibibigay na katapusan.

    sana nga ay sa mga ibang nakabasa nito ay mamuklat abng kanilang mga mata at gawin ang tama para sa ating bansa o Inang bayan.

    Comment by Niks | June 23, 2009 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: